Monday, January 7, 2008

The Tokyo Tokyo Adventure


Year end closing..Siguro kung accountant ka alam mo n ang ibig kong sabihin. Maraming ginagawa, maraming adventure, maraming adjustments, maraming stress, maraming tigyawat..Kasalukuyan ako nagtatrabaho ng may biglang tumawag sakin. Wow!!! Biglang nawala ang aking pagod. May manlilibre sakin ng food. Tamang tama ang timing kasi ang dami ko ng gutom. Di ko n maintindihan ang ginagawa ko kaya by 7 pm umalis nko at sumama sa kanila. Astig..Astig ang mga porma nila. kung itatabi mo ko sa kanila baka mapagkamalan mo pa ko n alalay nila. Basta..Astig talaga sila..Naglibot kami.. Sinuyod nmin ang lahat ng mall n makita namin..Tinignan namin lahat ng tindahan ng sapatos..Pero kahit gaano kayaman ang mayari ng mall, o kahit gaano kadami ang tinda ng mga ito, hindi pa rin nila nabigay ang gustong sapatos ng kasama ko..Aun..Wala kami nabili..Pero ung isang kasama ko may binili. Kumuha pa nga siya ng 2 tsinelas at tinanong kami kung ano mas maganda.. Ganun pala sya mamili.. Yung di nmn pinili, un ang binili nya..




Sa wakas kakain n kami. Kay tagal ko inantay ang oras nato. Pero di ganun kadali ang paghahanap ng fudchain. Sinuyod p rin nmn ang isang mall hanggang s maisipan n kumain n lng s isang kainan. Ang walang kamatayang Tokyo Tokyo. May sakit ako nun huling kain ko dito. pero nun oras n un, bumawi ako.




Ang sarap kumain sa Tokyo tokyo lalo n pag libre. Syempre ang inorder ko ung paborito ko..ang paborito kong Hipon..Masarap ang kainan.. Madaming kulitan, maraming kwentuhan, Picturan, may nasaludsod, may humikab, may nagpapacute..May artistang nakita n di ko nmn kilala, may mga schoolmate n nakita di ko p rin kilala..




Isa lang ang intensyon ko kung bakit ko sinulat ito s blog ko..Gusto ko sila pasalamatan kasi nilibre nila ako. Ako lng kasi ang di nagcontribute non. Ang bait nila..Napakagalante nila..Siguro di talaga ang may mga mansyon ang mayaman. Ang mayaman para sa akin ay ang taong nagbibigay kung ano meron sila.




Kuya at Ate,,hehe..Saludo ako sa inyo..Balang araw ililibre ko din kayo..Tokyo Tokyo din..pero sa Japan..




INV

No comments: