Nangyari ang aming paglalakbay sa MV Doulos last December 2007. Bakit ngaun 2008 ko lng sya n post? Simple lng. Di ko p kasi nakukuha mga pics nmn. Ngaun ko lng sya nakuha.
First time ko makakita ng Barko ng malapitan. First time ko lng din nmn makaakyat ng barko. Isang pribilehiyo na ang unang naakyat ko ay ang napakasikat na MV Doulos. Di ko nga napansin n may kalumaan n ung barko. Nangibabaw siguro ung saya sa mga bakas ng mga panahong dumaan. Sabi nila kasabayan daw ito ng titanic. Astig diba. Kunwari ako c Jack, c Rose na lng ang kulang pwede n gumawa ng pelikula.
Ang daming libro. Napakadaming libro n very affordable. Di ko nga napigilan sarili ko. Bumili ako ng npakagandang Bible. Marami din foreigner. May Chinese, Brazilian, Italian, Bicolano, Ilocano at iba pa. Kung may nagtatanong kung sino ung Chinese n kasama nmn s pic, pasensya npo pero si Rusty po yan. Purong pinoy po ang kaibigan ko n yan.
Sabi nila huling punta n daw ito ng Barko s Pilipinas at hindi n muling babalik. Nakakalungkot nmn. Marami p kasi ang hindi nakakapunta s barkong ito. Di n nila makikita ang barkong naging saksi s mga mahahalagang pangyayari s earth. Sayang. Buti n lng pala, nakahabol ako.
Isang beses p lng ako nkapunta s kanila pero humanga n ako. Napakabait ng mga tao. Napaka approachable nilang lahat. Nagawa nilang pagandahin ang barko kahit luma n ito. Higit s lahat, nagkaroon sila ng isang paraan para ishare ang Gospel s ibang tao. Ang galing. Pwede n magretiro ang barkong ito. Nagawa n nya ang purpose nya kung bakit sya ginawa.
Paalam MV Doulos. Buti n lng at kahit papaano, naitapak ko ang aking mga paa s barkong ito.
INV
No comments:
Post a Comment