Friday, February 29, 2008

PUP Wildsons!


So long..Tagal bago masundan ang posting. I juz want to share this photo in pup wildsons, where children of God celebrates. Before its just a dream, but i saw it with my very own eyes. Hundreds of people gathered to worship the Lord and hundreds of people also accepted Him. Amazing. Simply amazing. I'm filled with joy.
I'm inspired with this event coz it all started in just a dream. I tried to dream on that moment. A dream that i want to see several years from now. I want to dream. I want to dream for the Lord. Juz like what people did in pup wildsons.

Monday, January 21, 2008

Alaala ng Highschool Days

Wow!!! ang aming highskul pic! hehe ang puti ko yata dyan. yan po ay taong 2001. With Mrs. Abraham. Kasama ko ang makukulit n klasmeyt. Dami nmn noh..Saan n kaya sila? ung iba dyan may asawa at anak na. Ung iba balak p lng. Ung iba nag aaral p din. Ung iba nagliligawan p din. hehe..enjoy...

Alaala ng college days

Pambihira! akalain mo nakita ko pa ang pic n 2. 4th yr first sem kinuha ang pic n yan. Prof ay si Sir Lorica. Aud. theory po ang klase nmn dyan. Kita nyo b kami? mukhang hindi kasi bandang likuran ako dyan. Si seth kitang kita..hehe..enjoy..Nakakamis din..mga CPA

Napakapulang Finance Group


Ganda ng picture diba. Wala kasi ako mapost s blog n 2 kaya maglalagay muna ako ng mga experience ko last year. Ung pic n yan nangyari last december. kung di ako ngkakamali last day nmn yan s work. Tignan mo ung mga mukha,,,ang sasaya diba. Di p kumpleto ang mga tao s pic n yan. siguro ung iba nkaakyat n s ofis, kami naiwan p kaya ngpicturan muna. Wala nga pala akong red n shirt kaya maroon ang sinuot ko. pinsan nmn ng maroon ang red diba. anyway ang mahalaga masaya ang pic, masaya kasi paparating n nmn ang bagong taon. bagong buhay, bagong pag asa, bagong mukha. hehe. enjoy..

Wednesday, January 16, 2008

The Adventure of Dawen's Tribe

Astig ng pic noh...marami kami dyan...obvious nmn diba.. ito ang kauna unahang tribefest n out of town. Ang dami nmn fud dyan. Ang sarap din ng tubig. Kita nmn ang mga katawan nmn puro pang model ng bench. Sayang di ako ngpost n walang damit. nakita nyo sana ang anim n abs ko. Anyway..para sa ibang pics dalawin nyo n lng ang aming yahoogrups..salamat..

Sunday, January 13, 2008

The MV Doulos Adventure




Nangyari ang aming paglalakbay sa MV Doulos last December 2007. Bakit ngaun 2008 ko lng sya n post? Simple lng. Di ko p kasi nakukuha mga pics nmn. Ngaun ko lng sya nakuha.




First time ko makakita ng Barko ng malapitan. First time ko lng din nmn makaakyat ng barko. Isang pribilehiyo na ang unang naakyat ko ay ang napakasikat na MV Doulos. Di ko nga napansin n may kalumaan n ung barko. Nangibabaw siguro ung saya sa mga bakas ng mga panahong dumaan. Sabi nila kasabayan daw ito ng titanic. Astig diba. Kunwari ako c Jack, c Rose na lng ang kulang pwede n gumawa ng pelikula.




Ang daming libro. Napakadaming libro n very affordable. Di ko nga napigilan sarili ko. Bumili ako ng npakagandang Bible. Marami din foreigner. May Chinese, Brazilian, Italian, Bicolano, Ilocano at iba pa. Kung may nagtatanong kung sino ung Chinese n kasama nmn s pic, pasensya npo pero si Rusty po yan. Purong pinoy po ang kaibigan ko n yan.


Sabi nila huling punta n daw ito ng Barko s Pilipinas at hindi n muling babalik. Nakakalungkot nmn. Marami p kasi ang hindi nakakapunta s barkong ito. Di n nila makikita ang barkong naging saksi s mga mahahalagang pangyayari s earth. Sayang. Buti n lng pala, nakahabol ako.


Isang beses p lng ako nkapunta s kanila pero humanga n ako. Napakabait ng mga tao. Napaka approachable nilang lahat. Nagawa nilang pagandahin ang barko kahit luma n ito. Higit s lahat, nagkaroon sila ng isang paraan para ishare ang Gospel s ibang tao. Ang galing. Pwede n magretiro ang barkong ito. Nagawa n nya ang purpose nya kung bakit sya ginawa.


Paalam MV Doulos. Buti n lng at kahit papaano, naitapak ko ang aking mga paa s barkong ito.


INV




Monday, January 7, 2008

The Tokyo Tokyo Adventure


Year end closing..Siguro kung accountant ka alam mo n ang ibig kong sabihin. Maraming ginagawa, maraming adventure, maraming adjustments, maraming stress, maraming tigyawat..Kasalukuyan ako nagtatrabaho ng may biglang tumawag sakin. Wow!!! Biglang nawala ang aking pagod. May manlilibre sakin ng food. Tamang tama ang timing kasi ang dami ko ng gutom. Di ko n maintindihan ang ginagawa ko kaya by 7 pm umalis nko at sumama sa kanila. Astig..Astig ang mga porma nila. kung itatabi mo ko sa kanila baka mapagkamalan mo pa ko n alalay nila. Basta..Astig talaga sila..Naglibot kami.. Sinuyod nmin ang lahat ng mall n makita namin..Tinignan namin lahat ng tindahan ng sapatos..Pero kahit gaano kayaman ang mayari ng mall, o kahit gaano kadami ang tinda ng mga ito, hindi pa rin nila nabigay ang gustong sapatos ng kasama ko..Aun..Wala kami nabili..Pero ung isang kasama ko may binili. Kumuha pa nga siya ng 2 tsinelas at tinanong kami kung ano mas maganda.. Ganun pala sya mamili.. Yung di nmn pinili, un ang binili nya..




Sa wakas kakain n kami. Kay tagal ko inantay ang oras nato. Pero di ganun kadali ang paghahanap ng fudchain. Sinuyod p rin nmn ang isang mall hanggang s maisipan n kumain n lng s isang kainan. Ang walang kamatayang Tokyo Tokyo. May sakit ako nun huling kain ko dito. pero nun oras n un, bumawi ako.




Ang sarap kumain sa Tokyo tokyo lalo n pag libre. Syempre ang inorder ko ung paborito ko..ang paborito kong Hipon..Masarap ang kainan.. Madaming kulitan, maraming kwentuhan, Picturan, may nasaludsod, may humikab, may nagpapacute..May artistang nakita n di ko nmn kilala, may mga schoolmate n nakita di ko p rin kilala..




Isa lang ang intensyon ko kung bakit ko sinulat ito s blog ko..Gusto ko sila pasalamatan kasi nilibre nila ako. Ako lng kasi ang di nagcontribute non. Ang bait nila..Napakagalante nila..Siguro di talaga ang may mga mansyon ang mayaman. Ang mayaman para sa akin ay ang taong nagbibigay kung ano meron sila.




Kuya at Ate,,hehe..Saludo ako sa inyo..Balang araw ililibre ko din kayo..Tokyo Tokyo din..pero sa Japan..




INV