Hi Guys!!!
This is my first ever ever ever article on this blog. Bakit ako gumawa ng blog? wala lang gusto ko lang. Bakit Soar INV Soar ang title? wala kasi ako maisip n title. buti n lng dito s ofis nbasa ko ung Soar. Bakit yan ang nilagay ko na Pic? wala pakelaman yan ang gusto ko ilagay eh..
Sa wakas nakapagpost din ako ng article dito. Take note...sa ofis ko pa ginawa to. wala kasi nko magawa..hehe..with matching music background.
First article ko p lng to pero di ko n alam ang ilalagay ko. Gusto ko maglagay ng may sense n article pero parang vacation mode p din ang utak ko. Gusto ko rin magpatawa pero wala nmn ako maisip n joke n pwede magpangiti s tao...pano n yan..ano n ilalagay ko..alam ko na.. isusulat ko na lng kung ano nararamdaman ko...
Masaya ako ngayon..una malapit n uwian..malapit n mag alas singko..pangalawa bukas sweldo n nmn..kung sino man ang di masaya s araw ng sweldo nagkukunwari lng yan..hehe peace..pangatlo..masaya ako kasi mlapit n nmn ang bakasyon..mkakasama ko n nmn ng matagal ang aking family at syempre mamimigay n nmn ako ng limpak limpak n salapi.
Masaya masaya masaya...sino b nmn ang ayaw sumaya..lahat nman ng tao gumagawa ng paraan para sumaya..binibili ntin kun ano ung magpapasaya s atin..minsan manonood tayo ng sine..minsan pupuntahan ang barkada para makipagkwentuhan..ung iba nmn masilayan lng ang crush nila solve..may iba nga dumaan ka lng sasaya n sila..parang ako..pag dumaan ako sigurado ngingiti sila..magugulat n lng ako may lalapit at bubulong na.."Isah..libre mo nmn kami ng ice cream"
Isa n siguro s mga ugali ko ang pagiging masaya. sabi kasi ng tatay ko non libre lng ang ngumiti at tumawa kaya wag ko n daw ipagkakait un skin..pero wag ko daw gagawin yon ng mag isa ako. Di ko alam kung bakit. Nalaman ko n lng ung sagot nun first day of class nun highskul ako. Pero masaya p rin.
Nakakatuwa kasi ang daming masayang tao ngayon. Marami ang nkatanggap ng regalo at ng aginaldo. Marami mga magulang ang umuwi galing ng ibang bansa para dito icelebrate ang Pasko. Marami din ang umuwi sa kani-kanilang probinsya..Pero siguro wala ng sasaya pa s mga holdaper dahil ang laki ng market nila ngayon..
Ano b ang magpapasaya skin? di nila ito tinatanong s sarili nila..pero kung titignan mo ang kilos ng tao, parang ang tanong n yan ang gusto nila sagutin. Tinanong ko n din yan s sarili ko non. gumawa p ko non ng listahan n magpapasaya skin. Sumali ako s Chess Team, bumili ng mga anik anik, sumali s contest ng Bench, naglaro ng piko, nanligaw s mga chikababes at iba pa..
Pero dumarating din sa point n kahit n achieve ko un gusto ko gwin, parang di talaga masaya. Ngumingiti pero sa loob eh parang may kulang. Bakit ang lungkot lungkot p din..
Buti n lng may mga kaibigan ako n talagang masayahin. Inalam ko kung ano nagpapasaya s kanila. Inalam ko kung ano meron s kanila. At s kakahanap ko, nalaman ko kung bakit sila masaya..
Mali pa la ang tanong ko s sarili ko. Dahil s mali ang tanong ko, mali din ang sagot n nakuha ko. Hindi pala "Ano" ang magpapasaya skin..kundi "Sino"..
Napakasaya ko ng makilala ko Sya. Lagi ko Syang kasama. Hanggang ngayon di Niya ko iniwan. Binigay Nya lahat ng kelangan ko. Pinatawad ako s mga mali ko. Minahal Nya ko.
Ito ang saya n di kayang pantayan ng materyal n bagay. Saya n di nauubos. Kahit wala ako N70, ok lng basta kasama ko Sya.
Thank You my Lord..You are the Joy of my Life..
INV